MOMHOOD & PARENTING

Breastfeeding up to his Toddler years

I took the courage to extend my breastfeeding journey up to my little one’s toddler years. I would hear people say “ang laki laki na niyan dumedede padin sayo?” or “patigilin mo na yan”. Sa totoo lang, wala akong pakealam kung anong sinasabi ng mga tao. It’s my choice at ineeducate ko sarili ko to know more about extended breastfeeding. Hindi madali, pero hindi katulad si JK ng ibang mga bata na tinatanggap yung lasa ng formula milk. Makita niya palang na ibang kulay yung iinumin niya, aayaw agad siya. Pati fresh milk, sinubukan na namin ipainom, eh ayaw niya talaga.

Araw araw pag gising ko, pagod ako kasi unli dede siya sakin sa gabi eh. Marunong nadin siya ngayon ng kahit tulog sasabihin niyang “other side Mama”. Kaya binibuhat ko siya palipat lipat sa gabi. Halos wala ng natitira, para kang ubos na ubos na pag gising mo sa umaga tapos ayaw niya padin tumigil. Kaya yung pagod iba talaga!

Tinatanong ng iba kung meron padin ba daw laman? Ang sagot, oo. Law of supply and demand kasi yan. The more na may sumisipsip, the more na may mapproduce. Pero naapektuhan yung supply ng gatas ng napakadaming factors, kagaya ng stress. Kaya hanggat may nagdedemand, may gatas yan.

Kailan ko daw ba papatigilin si JK? Kung kelan niya gusto. We are slowly weaning him, mas longer hours na hindi siya nagdedede kasi sinusubstitute namin ng pagkain pag gusto niya dumede. Sa ngayon, talagang ang hirap at nakakapagod na. Feeling #laspagboobies every morning every night, pero dahil ito yung naging choice ko para sakanya, para saan pa’t naging nanay ako kung hindi ko alam yung salitang sakripisyo? 😉 #exclusivelybreastfeedingsinceday1

2 thoughts on “Breastfeeding up to his Toddler years”

  1. Hi there would you mind letting me know which hosting company you’re utilizing? I’ve loaded your blog in 3 different web browsers and I must say this blog loads a lot quicker then most. Can you recommend a good web hosting provider at a fair price? Kudos, I appreciate it!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *